Feb 22, 2025, nag-organize ang 4th Year IT, CS, at EMC students ng Gordon College ng GC TechFest 2025 sa Marikit Park, Olongapo City. Pinagsama-sama dito ang mga students ng Gordon College at iba pang schools para mag-enjoy sa tech through fun contests at activities tulad ng esports, coding, short films, at design.
Ang ginawa ng TechFest na special, lahat may chance magpakitang gilas kahit ano pa man skill nila. Ang saya at energy ng mga participants ang nagpa-worth ng lahat ng effort.
Oo, challenge talaga yung pag-organize lalo na yung sponsorship at dami ng kailangang ayusin sabay-sabay. Pero dito na-improve kami sa communication, time management, at handling ng stress skills na gamit hindi lang sa tech, pati sa buhay din.
Pinaka-importante na take-away? Mas smooth kapag chill pero klaro ang leadership, tapos malaki talaga ang tulong ng support ng community.

Comments
Post a Comment