November 15, 2024, nag-host ang Team 1ncognito from Gordon College ng seminar na “Netiquette Unleashed: Mastering Online Manners for Success” sa Tapinac Senior High School, Olongapo City. Si Sir Raymond Malibiran, isang professor sa Gordon College, ang naging guest speaker. Tinulungan niya ang mga students na mas maintindihan kung gaano kaimportante ang maayos at respectful na online behavior.
Tinalakay sa seminar ang mga basic pero importanteng topics gaya ng tamang pakikipag-usap online, kung paano alagaan ang digital footprint, at kung paano maging presentable kahit nasa virtual setup. Nakisabay talaga ang mga students at halata sa reactions nila na relatable at useful ang mga natutunan nila.
Ang nagpa-solid sa event ay hindi lang yung topic kundi yung maayos na teamwork at preparation ng buong team kaya smooth lahat ng nangyari. Na-prove namin na kapag may maayos na plano at tulungan, success talaga ang bagsak.
Biggest realization? Importante talaga ang online behavior. Ngayon, mas careful na ang students sa way nila makipag-usap online kasi alam nilang may epekto ito sa future nila.
Excited na kami magplano ulit ng mga ganitong events. Mas interactive, mas engaging. Kasi sa panahon ngayon, mas okay kung maaga pa lang alam na natin paano maging responsable online.
Comments
Post a Comment